Basahin: Gawa 2:1-42
Sauluhin: Juan 16:8
Layunin:
Sauluhin: Juan 16:8
Layunin:
- Maipaliwanag ang gawain ng Banal na Espiritu sa pagsumbat at pagbago sa makasalanan
- Ipagkatiwala sa Banal na Espiritu ang pagbaling ng kaibigan o kamag-anak sa katotohanan ni Hesu-Kristo
*******
Nanghina na ba ang loob mo dahil sa hindi pagtugon ng hindi Kristiyano sa ebanghelyong ibinabahagi mo sa kanila? Dapat ba nating isiping bigo tayo kapag hindi naging Kristiyano ang ating kaibigan o kamag-anak sa kabila ng pagbabahagi natin ng Magandang Balita? Pag-aralan natin ngayon kung paano maniniwala ang makasalanan na kailangan niya si Hesus.
I. ANG KALAGAYAN NG MAKASALANAN
Upang maunawaan ang pagbabago ng makasalanan, dapat maunawaang mabuti ang kalagayan ng makasalanan.
Tanong: Ayon sa Efeso 2:1, ano ang kalagayan ng tao bago siya maging Kristiyano?
Espirituwal na patay ang bawat taong hindi pa ipinapanganak muli dahil sumusuway at nagkakasala siya sa Diyos. Makasalanan siya. Maaaring buhay ang kanyang katawan ngunit espirituwal na patay siya. Wala siyang kaugnayan sa Diyos. Wala sa kanya ang Banal na Espiritu.
Tanong: Anu-ano ang katangian ng taong espirituwal na patay?
A. Ang kanyang isip ay binulag ni Satanas (2 Corinto 4:4).
Pinanatili ni Satanas sa kadiliman ang isip ng hindi mga Kristiyano upang hindi nila makita o maunawaan ang liwanag ng magandang balita tungkol kay Hesus.
B. Hindi niya matatanggap ang espiritu ng katotohanan (Juan 14:17).
Dahil espirituwal na bulag ang makasalanan, hindi niya makikita ang espirituwal na katotohanan. Hindi niya makikita o makikilala ang Espiritu ng katotohanan.
C. Hindi niya mauunawaan ang espirituwal na katotohanan (1 Corinto 2:14).
Ang isang tao ay maaaring marunong at may mataas na pinag-aralan. Posibleng marami siyang alam tungkol sa mga bagay na hindi sa Panginoon. Maaaring nagbabasa siya ng Bibliya at nakikinig sa mga pagtuturo ngunit kung wala ang Banal na Espiritu sa kanya ay patay siya sa espirituwal na buhay. Hindi niya maiintindihan ang mensahe ng Diyos. Kailangan niya ang Banal na Espiritu upang maunawaan ang mga bagay na tungkol sa Diyos.
D. Hindi siya kinalulugdan ng Diyos (Roma 8:8).
Ang hindi ipinanganak na muli ay hindi makapagbibigay-lugod sa Diyos. Sinusunod nila ang gusto ng kanilang likas dahil patay ang kanilang espiritu. Kaya't gaano man ang pagsisikap ng makasalanan na gumawa ng mabuti, hindi malulugod ang Diyos sa kanya. Ang mabubuti niyang gawa ay marumi pa rin sa Diyos. Magsikap man siyang sundi ang mga utos ng Diyos, mabibigo siya sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay wala sa kanya upang tulungan siyang bigyang-lugod ang Diyos.
E. Hindi niya matatawag na Panginoon si Hesus (1 Corinto 12:3b).
Ang may Banal na Espiritu lamang ang tapat na makatatawag ng "Panginoon" kay Hesus. Dahil walang Banal na Espiritu ang espirituwal na patay hindi niya matatawag na Panginoon si Hesus. Hindi niya tunay na masasamba si Hesus. Maaaring tawagin niya si Hesus sa panalangin ngunit hindi niya Siya tunay na masasamba nang hindi niya kinikilala ang pagiging Panginoon ni Hesus sa kanyang buhay.
G. Hindi siya magkakaroon ng espirituwal na bunga (Juan 15:5).
Hindi magkakaroon ng katangian ni Kristo ang makasalanan. Walang magagawang tunay na mabuti ang makasalanang malayo kay Hesu-Kristo.
Ito ang kawawang kalagayan ng tao bago siya maging Kristiyano. Kahabag-habag! Paano magbubunga ang ating pagpapatotoo sa kanya? Wala itong ibubunga kung wala ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Salamat sa Diyos sapagkat Siya mismo ang ganap na bumabago sa tao upang gawin siyang anak ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu!
II. ANG GAWAIN NG BANAL NA ESPIRITU SA PAGBABAGONG-BUHAY
Bago umakyat sa langit si Hesus sinabihan Niya ang Kanyang mga alagad tungkol sa Banal na Espiritu. Ipadadala ng Diyos Ama at ni Hesus ang Espiritu sa daigdig.
Tanong: Ayon sa Juan 16:7, ano ang itinawag ni Hesus sa Banal na Espiritu?
Tinawag ni Hesus na "Patnubay" ang Banal na Espiritu. Noong panahon ni Hesus kaugalian sa hukuman na humarap ang kasangkot sa kaso na kasama ang kanilang kaibigang maimpluwensiya. Ang mga kaibigang ito ang kanilang patnubay. Ibinibigay ng kaibigang iyon ang kanyang tulong na walang bayad. Tinutulungan niya ang kanyang kaibigan dahil mahal niya siya at interesado siya sa kanyang buhay. Pinapayuhan niya siya, ipinagtatanggol at itinataguyod sa panahon ng kanyang paghihirap; nagbibigay pa siya ng perang panggastos. Iniingatan niya siya sa panganib. Kasama siya ng kanyang kaibigan sa saya at kalungkutan.
Ang Banal na Espiritu ang Patnubay ng mga alagad sa pangangaral at pagtuturo ng magandang balita. Ang Banal na Espiritu pa rin ang ating patnubay ngayon sa pagbabahagi natin ng magandang balita sa hindi Kristiyano. Siya ang makakabago sa makasalanan. Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa pagbabago ng makasalanan?
A. Pinatutunayan ng Banal na Espiritu na Mali ang Makasalanan
1. Tungkol sa kasalanan (Juan 16:7-9)
Ito ang unang binanggit na gagawin ng Banal na Espiritu sa mga talatang ito: Patutunayan Niya sa makasalanan na mali ang kanyang paniwala sa kasalanan. Maaaring gumugol tayo ng maraming oras sa pagsisikap ipaliwanag sa kaibigang hindi Kristiyano na mali ang kanyang paniwala. Ngunit hindi natin siya mapaniniwala! Ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawa noon. Maliwanag at simple Niyang ipakikita sa makasalanan kung ano ang kasalanan.
Ipakikita ng Banal na Espiritu na tinanggihan ng tao si Hesu-Kristong Tagapagligtas. Tumanggi silang manampalataya na si Hesus ang tanging Daan sa Diyos at ang Katotohanan at ang Buhay.
Ang pinakamalaking kasalanan ng Hudyo noong narito pa si Hesus ay ang pagtanggi nila sa Kanya. Sa halip na sambahin Siya bilang Anak ng Diyos, ipinako nila Siya sa krus. Noong Araw ng Pentecostes, bumaba ang Banal na Espiritu sa mga alagad na nagsama-sama sa isang lugar. Pinuspos Niya sila. Nang napuspos ng Banal na Espiritu si Pedro, nangaral siya sa napakaraming Hudyo. Ginamit ng Banal na Espiritu si Pedro upang patunayan sa mga Hudyo na nagkamali sila nang ipinako nila si Hesus. Siya ang Mesiyas. Malaking kasalanan ang pagtanggi nila sa Kanya.
Habang nagsasalita si Pedro, gumawa ang Banal na Espiritu sa puso at isip ng mga nakikinig. Binuksan Niya ang kanilang puso at isip upang makita nila ang kanilang kamalian. Dahil doon, tinanong nila si Pedro at ang mga alagad, "Ano ang gagawin namin, mga kapatid?" Nakita nilang makasalanan sila kaya't itinanong nila kung paano nila maitutuwid ang kanilang pagkakamali. Inutusan sila ni Pedro na talikdan ang kasalanang pagtanggi kay Hesus, gayundin ang iba pa nilang kasalanan at magpabautismo sila sa pangalan ni Hesus. At tatanggapin din nila ang kaloob ng Diyos, ang Banal na Espiritu.
Marami ngayon ang ayaw tumanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon. Hindi sila naniniwalang may nagawa silang malaking kasalanan na naging dahilan ng kamatayan ni Hesus. Kahit narinig na nila na si Hesus lamang ang Tagapagligtas, patuloy nilang tinatanggihan Siya. Ayaw nilang amining makasalanan sila.
Gawain ng Espiritung papaniwalain ang tao na makasalanan sila. Nililiwanagan Niya ang kanilang isip upang maunawaan nila kung sino si Hesus. Ipinauunawa Niya na mali ang pagtanggi nilang manalig kay Hesus. Kapag gumawa ang Espiritu saka lamang matatanggap ng makasalanan si Hesus sa kanilang buhay.
Maraming nagsasabi na naniniwala sila kay Hesus. Sinasabi nilang nananalangin at humihingi sila sa Kanya ng tulong. Ang pananampalataya nila ay sa isip lamang. Alam ng kanilang isip kung sion si Hesus ngunit hindi nila Siya tinatanggap at pinagtitiwalaan bilang Tagapagligtas. Ang Banal na Espiritu ang nagpapaliwanag sa kanilang tunay na kalagayan sa harap ng Diyos. Ipinakikita Niya sa kanila kung tunay o hindi ang kanilang pananampalataya kay Hesus.
Dalawang taon nang dumadalo sa pag-aaral ng Bibliya si Helen. Nakikisali siya sa pag-uusap, pag-awit at pananalangin. Nagpapatotoo pa siya kung paano sinasagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Ngunit laging naitatanong niya sa sarili kung talagang Kristiyano na siya. Natatakot siyang baka sa impiyerno siya mapunta kapag namatay na siya. Hindi niya matiyak kung tunay nga siyang anak ng Diyos.
Nangungusap ang Banal na Espiritu kay Helen tungkol sa katotohanang sa isip lamang ang pagkakakilala niya kay Hesus. Hindi pa siya tunay na nanampalataya kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon niya.
Sa isang pag-aaral ng Bibliya, tinanong niya ang tagapanguna, "Ano ba talaga ang Kristiyano?" Nang ipinaliwanag ng tagapanguna ang kahulugan ng pagiging Kristiyano, napagtanto ni Helen na hindi pa siya talaga nagsis sa kanyang kasalanan at hindi pa niya natatanggap si Hesus sa kanyang buhay. Hindi pa nabibigyan ng buhay ng Espiritu ang kanyang patay na espiritu. Hindi pa siya Kristiyano. Nang oras ding iyon, ipinasya niyang talkidan ang kanyang mga kasalanan. Pinagtiwalaan niya ang Panginoon. Humingi siya ng tawad sa kanyang kasalanan at tinanggap niya si Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon.
2. Tungkol sa mabuti (Juan 16:8b, 10)
Patutunayan din ng Banal na Espiritu sa makasalanan na siya'y mali sa kanyang paniwala ukol sa mabuti. Papunta si Hesus sa Diyos Ama. Nang sinabi ni Hesus ang mga salitang ito, malapit na Siyang ipako sa krus. Pinagbintangan Siya ng mga Hudyo na gumagawa ng masama. Kriminal ang turing nila sa Kanya. Patutunayan ng Banal na Espiritu sa kanila at sa lahat ng tao na mali sila sa kanilang bintang kay Hesus. Siya ang Matuwid. Tama ang Kanyang ginagawa. Wala Siyang kasalanan. Nalugod ang Ama sa buhay at gawa ni Hesus sa mundo. Patutunayan Niyang walang kasalanan si Hesus sa pamamagitan ng pagkabuhay muli at pagbalik Niya sa Ama.
Gawain ng Banal na Espiritu na liwanagan ang isip at puso ng makasalanan upang makita nila na hindi sapat ang kanilang katuwiran o kabutihan para maligtas sila sa impiyerno. Inisip ng mga Hudyo na ang mahigpit na pagsunod sa Kautusan at sa kanilang kaugalian ay sapat nang kabutihan. Inisip nilang katanggap-tanggap na sila sa Diyos dahil ginawa nila ang nakikitang kabutihan ayon sa Kautusan. Kinamuhian nila si Hesus dahil tinuligsa Niya ang kanilang paniniwala.
Marami ngayon ang nag-aakalang ang kanilang mabuting gawa, pagsunod sa mga utos at paniniwala sa doktrina at turo ng relihiyon ay sapat na upang makarating sila sa langit. Iniisip nilang tama at sapat na ang kanilang ginagawa. Ngunit sinasabi ng Bibliya sa Isaias 64:6 na kahit na ang pinakamabuting gawa ng tao ay marumi pa rin sa harap ng Diyos. Kailangan ng lahat ng patawad at paglilinis sa kasalanan. Itinuturing man ng tao na mabuti o masama siya kailangan niya ng isang malinis at matuwid na babago sa kanya upang maging karapat-dapat siya sa harap ng Diyos. Patutunayan ng Banal na Espiritu sa makasalanan na si Hesus lamang ang matuwid. Si Hesus ang maaaring maging katuwiran nila kung magtitiwala sila sa Kanya.
3. Tungkol sa paghatol (Juan 16:8c, 11)
Patutunayan ng Banal na Espiritu na mali ang tao sa paghatol dahil nahatulan na si Satanas na pinuno ng mundong ito.
Inakala ng mga Hudyo na tama ang kanilang ginawang paghatol at pagpataw kay Hesus ng kamatayan. Hindi nila alam na sa krus hahatulan si Satanas. Magiging talunang kaaway siya. Sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus, ilalaan sa tao ang kaligtasan at katuwiran.
Nang nagsalita si Hesus, nahatulan na si Satanas. Nang namatay si Hesus, natalo si Satanas.Sa wakas, itatapon siya sa dagat-dagatang apoy.
Pinatutunayan ng Banal na Espiritu na mali ang tao sa paghatol. Hindi nakikita ng halos lahat ng di-Kristiyano ang kabigatan ng kasalanan. Hindi sila makapaniwalang may papupuntahin sa impiyerno ang Diyos. Hindi nila makitang kailangan ang impiyerno. Kailangang papaniwalain sila ng Banal na Espiritu na totoo si Satanas at ang kanyang kapangyarihan. Patutunayan Niya sa kanila na si Satanas at ang lahat ng sumusunod sa kanya ay hahatulan at itatapon sa impiyerno.
B. Nagbibigay ng Buhay na Walang Hanggan ang Banal na Espiritu (Tito 3:4-7; Juan 3:36)
Dahil espirituwal na patay ang makasalanan, hindi rin magmumula sa kanya ang espirituwal na buhay. Kailangan niya ng bagong kapanganakan--espirituwal na kapanganakan--upang maranasan niya ang kaligtasan sa kasalanan.
Tanong: Ayon sa Tito 3:4-7, paano mararanasan ng makasalanan ang bagong kapanganakan?
Kailangan siyang ipanganak muli ng Banal na Espiritu. Bibigyan Niya ng buhay ang patay na espiritu. Lilinisin Niya ang kasalanan. Dahil sa gawang ito ng Banal na Espiritu nagiging matuwid sa harap ng Diyos ang makasalanan. Hindi na tinitingnan ng Diyos ang kasalanan. Malinis na siya sa paningin ng Diyos. May buhay na walang hanggan na siya.
Kapag nakinig ang makasalanan sa Salita ng Diyos, gagawa ang Banal na Espiritu sa isip, puso at kaluluwa niya. Hihimukin Niya siyang manampalataya at magtiwala kay Hesus. Kapag, nagtiwala at nagsisi siya sa kasalanan, bibigyan siya ng Banal na Espiritu ng buhay na walang hanggan. Sinasabi ng Juan 3:36, "Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak; hindi magkakaroon ng buhay--mananatili sa kanya ang poot ng Diyos." Nananahan na ngayon ang Espiritu sa mananampalataya.
Tanong: Ayon sa Roma 8:15, ano ang ginagawa ng Espiritu sa nagtitiwala kay Hesus?
Ginagawa sila ng Espiritu na anak ng Diyos. Anak sila ng Diyos at Ama nila Siya. Dahil anak na sila ng Diyos, hindi na sila alipin ng kasalanan. Malaya na sila. Hindi na sila kailangang matakot sa Diyos. Matatawag nila ang Diyos na Ama kahit sa pinakamalambing na paraan. Maaari silang makipag-usap sa Kanya ano mang oras.
Tanong: Ayon sa Roma 8:16, paano nila natitiyak na anak sila ng Diyos?
Nakikipag-isa sa espiritu nila ang Banal na Espiritu upang tiyakin sa kanilang anak sila ng Diyos. Sila'y sa kanilang Ama, kay Hesus at sa Banal na Espiritu.
Kapag nagbigay ang Banal na Espiritu ng buhay na walang hanggan sa nagsising makasalanan, maninirahan din sa kanya ang Espiritu at mauunawaan niya ang Kanyang mga turo. Matatawag niyang Panginoon si Hesus. Masasamba niya ang Diyos at makapananalangin siya sa Kanya. Tutulungan siya ng Espiritu upang malugod sa kanya ang Diyos. Magbubunga sa kanya ang Espiritu.

PAGBUBULAY
- Ano ang pinatutunayan sa iyo ng Banal na Espiritu?
- Ano ang matutunan mo sa talatang Juan 16:8 tungkol sa pagbabahagi ng mabuting balita?
Source:
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7