Basahin: Juan 14:16, 17; Roma 8:27; 1 Corinto 12:10,11; Efeso 4:30; Gawa 13:1,2;
Gawa 8:29; Juan 14:26; 1 Corinto 2:12; Hebreo 9:14; Awit 139:7-10; Roma 8:11;
1 Corinto 2:10,11; Genesis 1:2; Mateo 28:19
Sauluhin: Juan 15:26
Layunin:

- Makapagtala ng labingtatlong katangian at gawain ng Banal na Espiritu
- Kilalanin ang Banal na Espiritu bilang isang persona ng Diyos
*******
******* |
Maraming paniniwala ngayon tungkol sa Banal na Espiritu. Maraming aklat ang tungkol sa Kanya. Ano ang naiisip mo tungkol sa Banal na Espiritu? Sino Siya?
I. ANG KATANGIANG NG BANAL NA ESPIRITU
Sa Bibliya, ang gawain ng Banal na Espiritu ay malimit ihayag sa pamamagitan ng simbolo. Nang binautismohan si Hesus, bumaba sa Kanya ang Banal na Espiritu sa anyong kalapati.
Ang apoy, tubig, hangin at langis ay ginamit din sa Kasulatan upang tukuyin ang Banal na Espiritu at ang Kanyang gawain. Hindi nangangahulugang bagay na katulad ng kalapati, tubig o apoy ang Banal na Espiritu. Siya ay persona. Mayroon Siyang katangiang nagpapatunay na Siya ay persona. Kumikilos Siya tulad ng pagkilos ng persona.
Tanong: Anu-ano ang katangian at gawain ng Banal na Espiritu na nagpapatunay na Siya ay persona?
A. Patnubay ang pangalan ng Banal na Espiritu (Juan 14:16,17).
Isa sa Kanyang mga pangalan ay Patnubay at nananahan Siya sa atin (Juan 14:16,17). Siya ang isa pang Patnubay na ipinadala ng Ama. Ang salitang "isa pa" ay nangangahulugang "katulad na katulad" sa Griyego. Si Hesus ang Unang Patnubay. Kaya't ang Banal na Espiritu ay katulad na katulad ni Jesus sa Kanyang katangian. Tinutukoy Siya ni Hesus bilay SIYA kaya't ang Banal na Espiritu ay persona, hindi bagay o kapangyarihan lamang.
B. Siya ay nag-iisip (Roma 8:27).
Nag-iisip ang Banal na Espiritu. Ang Kanyang isip ay binabasa ng Ama na Kanyang dinadalanginan. Nauunawaan Niya ang kalooban ng Diyos.
C. Siya ay nagpapasya (1 Corinto 12:10,11).
May kakayahan ang Banal na Espiritu na magpasyang mag-isa. Kumikilos Siya ayon sa Kanyang nais. Nagbibigay Siya ng kaloob sa tao ayon sa Kanyang kalooban at nais.
D. Siya ay nalulungkot (Efeso 4:30).
May damdamin ang Banal na Espiritu. Mapalulungkot natin Siya. Nalulungkot Siya kapag naghihimagsik at sumusuway tayo sa Kanya. Nalulungkot Siya kapag nag-aaway tayo. Nalulungkot Siya kapag nagkasala tayo. Nalulungkot Siya kapag hindi katulad ni Kristo ang ating kilos, pananalita o saloobin.
E. Siya ay nagsasalita (Gawa 13:1,2).
Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga propeta at guro ng Antioquia upang ibukod sina Pablo at Bernabe para sa gawaing iniatas Niya. Nagsasalita pa rin Siya sa atin ngayon. Kung minsan, naririnig natin Siyang nagsasalita sa ating puso. Kung minsan, nakakadama tayo ng malakas na udyok na alam nating mula sa Kanya. Sa ating paglago sa buhay-Kristiyano, natutuhan nating pakinggan at kilalanin ang tinig ng Banal na Espiritu. Anuman ang sabihin Niya sa atin, laging ayon iyon sa Salita at kalooban ng Diyos. Mabuti lamang ang ipinagagawa Niya sa atin.
Kinakausap din tayo ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ibang mananampalataya. Sa ating pakikinig sa mangangaral o kaibigang Kristiyano, malimit nating nadaramang nangungusap ang Banal na Espiritu sa pamamagitan nila.
Hindi lamang ang Kristiyano ang kinakausap ng Banal na Espiritu. Kinakausap din Niya ang hindi Kristiyano. Maraming taong tinanggihan ng isang magsasaka ang ebanghelyo. Isang araw, habang gumagawa siya sa bukid, maliwanag na narinig niya ang tinig na nag-utos sa kanya: "Pumunta ka sa pulong sa barangay." Alam niyang ang Banal na Espiritu ang kumausap sa kanya. Natakot siyang sumuway. Pumunta siya doon. Nagsisi siya at tinanggap niya si Hesus bilang Tagapagligtas.
G. Siya ay pumapatnubay (Gawa 8:29).
Pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Felipe sa kanyang pangangaral ng ebanghelyo. Inutusan Niya siyang lumapit sa karwahe ng pinunong taga-Ethiopia. Dahil doon naituro ni Felipe ang kahulugan ng Kasulatang binasa ng pinuno. Tinanggap ng pinuno si Kristo bilang Tagapagligtas at nagpabautismo. Pinapatnubayan ng Espiritu ang mga Kristiyano ngayon. Sinasabi Niya kung paano sila dapat mamuhay bilang anak ng Diyos sa mundong ito.
H. Siya ay nagtuturo (Juan 14:26; 1 Corinto 2:12).
Ipinagpapatuloy ng Banal na Espiritu ang pagtuturo ni Hesus. Nananahan Siya sa Kristiyano upang ihayag sa kanila ang lahat ng nais ng Diyos na malaman nila at dapat nilang gawin. Itinuturo Niya ang katotohanan tungkol sa mga espirituwal na bagay. Karaniwang ginagawa Niya ito kapag pinagaaralan natin ang Salita ng Diyos ngunit tuwirang makapagtuturo din Siya sa ating espiritu.
May matandang babae ang dumalaw sa pananambahan sa Mindanao. Hindi siya gaanong nakauunawa ng Ingles. Ingles ang sermon. Ngunit kinausap siya ng Banal na Espiritu. Naunawaan niya ang sermon at tinanggap niya si Hesus bilang Tagapagligtas.
II. ANG PAGKA-DIYOS NG BANAL NA ESPIRITU
Hindi karaniwang persona ang Banal na Espiritu. Diyos Siya. Isa Siya sa tatlong persona ng Diyos. Mayroon Siyang katangian ng Diyos at ginagawa Niya ang gawain ng Diyos.
Tanong: Anu-ano ang katangiang ito?
A. Walang hanggan (Hebreo 9:14).
Ang Banal na Espiritu ay tinawag na walang hanggang Espiritu. Wala Siyang simula at katapusan. Hindi Siya nalilimitahan ng panahon. Buhay Siya magpakailanman.
B. Nasa lahat ng lugar (Awit 139:7-10).
Sa talatang 7, sinasabi ng Magandang Balita Biblia, "Sa Banal mong Espiritu'y hindi ako makaiwas." Makikita natin sa mga talatang ito na nasa lahat ng lugar ang Espiritu ng Diyos. Hindi Siya nahahadlangan ng lugar o bilis. Saan man tayo pumunta, naroon ang Espiritu ng Panginoon.
C. Makapangyarihan sa lahat (Lucas 1:29, 30, 34, 35; Roma 8:11).
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ipinagdalangtao ni Maria si Hesus. Nabuhay muli si Hesus sa kapangyarihan ng Espiritu. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nakikita sa mga gawa ng Banal na Espiritu.
D. Alam ang lahat (1 Corinto 2:10,11).
Alam ng Banal na Espiritu ang lihim ng Diyos. Alam Niya ang lahat ng tungkol sa Ama, kahit na ang Kanyang kalooban, ang Kanyang isipan, damdamin at layunin.
E. Lumikha (Genesis 1:2).
Sinasabi ng Magandang Balita Biblia, "umiihip ng tubig." Sa matandang salin, "Ang Espiritu ng Diyos ay sumasa ibabaw ng tubig." Ang dahilan, maaaring mangahulugang espiritu o hangin ang salitang ito sa Hebreo. Naroon ang Diyos Espiritu Santo. Gumagawa ang Kanyang kapangyarihan sa paglikha sa sanlibutan.
G. Kapantay ng Diyos Ama at Diyos Anak (Mateo 28:19; Gawa 5:3,4).
Ang lahat ng nananampalataya kay Hesu-Kristo ay dapat mabautismohan sa pangalan ng Ama, ng Anat at ng Banal na Espiritu. Ang Espiritu ay kapantay ng Diyos Ama at Diyos Anak. Tinawag Siyang Diyos sa Gawa 5:3,4. Diyos ang Banal na Espiritu.
Bilang Diyos, ang Banal na Espiritu ay karapat-dapat sambahin at parangalan. Dapat tayong tumugon sa Diyos Ama at sa Diyos Anak dahil Diyos din Siya.

PANSARILING TUGON
- Naniniwala ka ba na Diyos ang Banal na Espiritu? Kung oo sauluhin mo at tandaan ang talatang ito: "Naniniwala ako na Diyos ang Banal na Espiritu. Siya'y personang iba ngunit kapantay ng Diyos Ama at ng Diyos Anak. Sasambahin ko Siya bilang isa sa tatlong persona ng Diyos."
- Pasalamatan ang Diyos sa pagpapahayag ng katotohanang tungkol sa katangian at pagka-Diyos ng Banal na Espiritu. Ihingi ng tawad ang anumang maling kaisipan tungkol sa Kanya. Purihin ang Banal na Espiritu bilang Diyos.
Source:
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7