A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y
NAKAAYOS ANG MGA KANTA AYON SA UNANG TITIK
TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO
HALINA IMMANUEL Verse 1 O bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na Ang bawat isa'y para bang namomroblema Hindi mo alam ang regalong ibibigay Ngayong kay hirap na nitong ating buhay Verse 2 Meron pa kayang karoling at noche buena Kung bawat isa ay kapos at wala nang pera Nakakahiya kung muling pagtaguan mo Ang iyong inaanak sa araw ng Pasko Chorus Ngunit kahit na ano'ng mangyari Ang pag-ibig sana ay maghari Sapat nang si Jesus ang kasama mo Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko Verse 3 Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon Sa ating hapag mayroong queso de bola't hamon Baka sa gipit pati New Year mapo-postpone At ang hamon ay mauwi sa bagoong Chorus Ngunit kahit na ano'ng mangyari Ang pag-ibig sana ay maghari Sapat nang si Jesus ang kasama mo Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko Coda Pa rap pa pa rap pa Ngunit kahit na ano'ng mangyari Ang pag-ibig sana ay maghari Sapat nang si Jesus ang kasama mo Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko Ngunit kahit na ano'ng mangyari Ang pag-ibig sana ay maghari Sapat nang si Jesus ang nasa puso mo Tuloy na tuloy pa rin Tuloy na tuloy pa rin Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko YouTube:
|
|