A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y
NAKAAYOS ANG MGA KANTA AYON SA UNANG TITIK
TAWAG NG BAGONG SILANG/HANDOG NG LANGIT
Halina Immanuel TAWAG NG BAGONG SILANG Pakinggan ang tawag ng Munting Sanggol sa sabsaban Isang tinig, iisa ang hiling Tayo ay magmahalan Kapayapaan sa sanlibutan Sa buong sangkatauhan HANDOG NG LANGIT Ano'ng hiwaga ka mahal kong anak Ano'ng landas langit ang 'yong tinahak 'Di ko man alam ang iyong pinagmulan Kita'y labis-labis kong pakaiingatan Sapagka't handog ka ng langit sa 'min Ikaw, aming anak, pakamamahalin Habangbuhay man naming uunawain Ang dakilang layunin ng Diyos para sa 'tin Ika'y aming mamahalin Mula sa dalanging dala ng anghel Kami'y kakalinga sa iyo, Immanuel 'Di ko man alam ang buong kahulugan Ng iyong pagpanaog na iyong pagsilang Coda O Jesus, handog ka ng langit sa lupa Ikaw, Immanuel, ang bukal ng pag-asa Habangbuhay man naming uunawain Ang dakilang layunin ng Diyos para sa 'tin Ika'y aming mamahalin TAWAG NG BAGONG SILANG Tayo nang akbay-akbay Tungko roon sa sabsaban At doon natin tanggapin ang hiling Ng Haring bagong silang L'walhati, l'walhati Ang buong mundo'y magdiwang Tinig ng Sanggol ay atin nang dinggin Halina't magmahalan L'walhati, l'walhati Ang buong mundo'y magdiwang Tinig ng Sanggol ay atin nang dinggin Halina't magmahalan Halina't magmahalan YouTube:
|
|