A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y
NAKAAYOS ANG MGA KANTA AYON SA UNANG TITIK
NAGAGALAK, NAGSASAYA
N. Arnel De Pano Nagagalak, nagsasaya ang buong mundo Mga nagmamahal sa inyo Di ba’t kailan lang kayong dalawa ay nagtagpo Isang hiwaga ngayon nga pasisimulan ninyo Ang isang panibagong hakbangin Kalakip ang aming dalangin Maaasahan ang twina naming paglingap Tutulungan, ano pa man ang inyong makaharap Nagagalak, nagsasaya, nagbubunyi ang buong sandaigdigan Ipinagdiriwang ang inyong pagmamahalan Tanggapin ninyo, asahan ninyo sa pagdaan ng panahon Pag-ibig namin at ang pagkalinga ng ating Panginoon Nagagalak, ihahatid ng bulaklak Sa landas na ngang inyong tinatahak Nag-uumapaw ang saya sa’ming puso Nagdarasal sa Maykapal - patnubayan Nya kayo |
Karamihan sa mga chords dito ay sarili naming interpretasyon at hindi nanggaling sa tunay na kumatha o mang-aawit. Maliban lang po sa mga kanta, ang lahat ng matatagpuan sa Papuring Liyab website ay naka-copyright at hindi maaaring kopyahin, hiramin o kuhanin ng walang permiso mula sa amin.
|