A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y
NAKAAYOS ANG MGA KANTA AYON SA UNANG TITIK
ITATAWID SA LANDAS
N. Arnel De Pano Verse 1 Sa bawat dahon ng aklat ng buhay Bakas ang luha na tumataglay Inaanod ang pag-asa, unti-unting nawawala Haligi ng munting daigdig ko Verse 2 Minsa'y nanlalamig na rin ang araw Init ng hangin may giniginaw Nanlulumo nalulumbay hanap ay isang gabay Sa piling mo'y hindi mabibigo Chorus Kahit magunaw man ang daigdig Lisanin man ng init ang mundong manlalamig Kahit pa humayo sa daang magkabilay bangin Ikaw pa rin o Diyos Ikaw pa rin Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas Kalinga Mo o Diyos ang siyang magbibigay lakas Sa anumang panganib ginintuan ang Iyong pagliligtas Panatag nga't tiyak itatawid Mo sa landas Verse 3 Kung sa tadhana'y di nais ang guhit Pawang sagabal ang sinasapit Ikaw ang Siyang tatawagan Saro ko'y aapawan Ng pag-asang kailanma'y dulot Mo Bridge Itatawid, ililigtas Ihahatid hanggang wakas Hanggang wakas Coda Kahit magunaw man ang daigdig Lisanin man ng init ang mundong manlalamig Kahit na humayo sa daang magkabila'y bangin Ikaw pa rin o Diyos Ikaw pa rin Pag-ibig Mo ay hindi magwawakas Kalinga Mo o Diyos ang siyang magbibigay lakas Sa anumang panganib ginintuan ang Iyong pagliligtas Panatag nga't tiyak Itatawid Mo sa landas Itatawid Mo sa landas YouTube: http://www.youtube.com/watch?v=jw8PJquTFzw |
|