Basahin: Juan 4:23-24, Juan 16:13-14, Juan 14:16-17, Roma 8:16,26-27, 2 Corinto 3:6, Efeso 3:16,
Efeso 6:18, Filipos 3:3, Hebreo 4:12, Judas 20
Sauluhin: Juan 14:16-17a
Layunin:

- Makilala ang gawain ng Banal na Espiritu sa pagbibigay ng pagkaunawa sa Bibliya at sa pagtulong na maging katanggap-tanggap sa Diyos ang pananalangin at pagsamba.
- Makilala ang mga pangangailangan at hihingin ang tulong ng Banal na Espiritu sa pag-aaral ng Bibliya, pananalangin at pagsamba sa Diyos.
*******
Ang makasalanang tao ay nagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Binibigyan ng Banal na Espiritu ng buhay ang espiritu ng makasalanang nagtitiwala kay Hesus. Pinatawad na ang nakalipas niyang kasalanan. Nagsisimula siya ng bagong buhay kay Hesus. Espirituwal na bagong panganak siya.
Tanong: Pagkatapos manganak ang mapagmahal na ina, ano ang ginagawa niya sa sanggol?
Tanong: Bilang bagong kristiyano, ano ang madarama mo kung iwan kang mag-isang ipamuhay ang buhay-kristiyano?
Tulad ng kapapanganak na sanggol, kailangan din ng bagong kristiyano ang mapagmahal na pangangalaga at pag-iingat. Kailangan niya ng ng espirituwal na pagkain upang lumago siya sa anyang kaugnayan sa Diyos. Gaya ng mapagmahal na ina sa kanyang sanggo, inaalagaan ng Banal na Espiritu ang bagong kristiyano.
Tanong: Ayon sa Efeso 3:16, ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa pagkatao o espiritu ng kristiyano?
Nagbibigay ng lakas at kapangyarihan ang Banal na Espiritu sa espiritu ng kristiyano. Sa paggawa ng Espiritu sa kanyang buhay, napaglalabanan ng kristiyano ang tuksong magkasala. Nakakaya niyang harapin ang mga problema sa buhay at mamuhay na malapit sa Diyos.
Paano nga ba palalakasin ng Banal na Espiritu ang ating espirituwal na buhay? Anu-ano ang mga bahagi ng ating buhay kung saan nakikita nating gumagawa ang Banal na Espiritu?
A. Katiyakahn ng Kaligtasan (Roma 8:16)
Nang naging kristiyano ka, nagkaroon ka ba ng alinlangan kung ligtas ka na o hindi? Naitanong mo ba kung namumuhay sa iyo ang Banal na Espiritu o hindi?
Ang pag-aalinlangan sa kaligtasan ang madalas na unang tukso ng diyablo sa bagong kristiyano Gusto niyang mag-alinlangan tayo sa gawa ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Gusto niyang bumalik tayo sa dati nating buhay at kasalanan. Gusto niyang ibalik tayo sa kanya at sa kanyang pamamaraan. Hindi natutuwa ang diyablo kapag bumaling tayo sa Diyos kaya't ginagamit niya ang lahat ng paraan upang pag-alinlanganan natin ang pagiging anak natin ng Diyos.
Tanong: Ayon sa Roma 8:16, paano tayo tinutulungan ng Banal na Espiritu na labanan ang tuksong ito ni Satanas?
Sinasabi sa atin ng ating espiritu na mga anak tayo ng Diyos. Alam nating naging anak tayo ng Diyos nang tinanggap natin si Hesus na Panginoon at Tagapagligtas dahil ito ang itinuturo ng Bibliya sa Juan 1:12. Pinatotohanan ng Banal na Espiritu sa ating espiritu na tayo nga'y anak ng Diyos. Tinitiyak Niya sa atin na anak tayo ng Diyos. Kaya't hindi dapat pag-alinlanganan ang pagiging anak natin dahil ang Banal na Espiritu mismo ang nagpatotoo sa atin. Kapag sinabi mismo sa atin ng Banal na Espiritu ang katotohanang ito, dapat tayong maniwala sa Kanya dahil Siya ang Espiritu ng Katotohanan.
B. Pag-aaral ng Bibliya (Juan 14:16-17, Juan 16:13-14)
Ang Bibliya ang ating espirituwal na pagkain. Ngunit maraming bagay sa Bibliya ang hindi natin kayang unawain. Kailangan natin ang tulong ng Diyos upang maunawaan ang Kanyang mensahe at makatugon sa Kanya ng pagsamba at pagsunod.
Tanong: Ayon sa Juan 14:16-17, ano ang gagawin ng Banal na Espiritu tungkol sa Bibliya?
Ihahayag ng Banal na Espiritu ang katotohanan tungkol sa Diyos. Unang natupad ang mga sinabing ito Hesus tungkol sa pagdating ng Banal na Espiritu noong araw ng Pentecostes (Gawa 2:1-4). Nasa atin ngayon ang Banal na Espiritung nagpapaliwanan sa ating isip kapag pinag-aaralan natin ang Bibliya. Dahil siya ang pumatnubay sa mga taong sumulat ng Bibliya, ganap Niyang nauunawaan ang Bibliya. Alam niya ang kahulugan ng lahat ng mga talata. Matutulungan Niya tayong maunawaan ang kahulugan nito at kung paano ito isasabuhay. Unti-unting inihahayag ng Banal na Espiritu ang Kanyang katotohanan ayon sa ating pangangailangan sa ating buhay at gawain.
Tanong: Ayon sa Juan 16:13-14, ano pa ang gagawin sa atin ng Banal na Espiritu?
Sinasabi sa atin ng Banal na Espiritu ang tungkol sa Diyos at ipinakikita Niya sa atin ang lahat ng katotohanan. Ginagamit Niya ang Bibliya upang tulungan tayong makilala ang Diyos, ang Kanyang kalooban at ang Kanyang pamamaraan. Tinutulungan Niya tayong maunawaan ang mga katotohanan tungkol sa Diyos. Papatnubayan din tayo ng Banal na Espiritu na maunawaan ang tungkol kay Hesus. Tutulungan Niya tayong makitang totoo ang sinabi at ginawa ni Hesus noong narito pa Siya. Siya ang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas sa kasalanan. Nang sinabi ito ni Hesus sa Kanyang mga alagad, hindi pa nasusulat ang Bagong Tipan. Ang Bagong Tipan ang katibayan na pinatnubayan ng Espiritu ang mga alagad sa katotohanan. Mapalad tayo sapagkat nasa atin ngayon ang Bagong Tipan at Lumang Tipan. Paulit-ulit na mababasa natin ang katotohanan tungkol sa Diyos at kay Hesus. Sa ating pagbasa at pag-aaral ng Bibliya, tutulungan tayo ng Banal na Espiritu na lalong makilala ang Diyos at si Hesus.
Paano tayo tinutulungan ng Banal na Espiritu na maunawaan ang katotohanan sa Bibliya?
1. Gumagawa ang Banal na Espiritu upang mauhaw tayo sa katotohanan.
Lumilikha ang Banal na Espiritu sa atin ng hangaring saliksikin at pag-aralan ang Bibliya. Binibigyang-buhay Niya ang ating espiritu at isip upang magamit natin ito para sa ating espiritu.
Sinubok ni Vicky ang yoga, transcendental meditation at science of the mind. Hinanap niya ang katotohanan ngunit walang nakapagbigay sa kanya ng kasiyahan. Isang araw, sinabi sa kanya ng isang kamag-anak ang tungkol sa Bibliya. Hiniling ni Vicky na ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kanya. Gumawa ang Banal na Espiritu upang mauhaw si Vicky sa Salita ng Diyos. Hindi nagtagal, nabasa niya ang buong Bibliya. Hindi lamang siya nagbasa. Sinunod din niya ang ipinakita sa kanya ng Banal na Espiritu na dapat niyang gawin.
2. Ibinibigay sa atin ng Banal na Espiritu ang pag-iisip ni Kristo (1 Corinto 2:12,16).
Sa pamamagitan ng isip ni Kristo, nauunawaan natin ang katotohanan ayon sa pakahulugan ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang ibinigay upang maunawaan natin ang katotohanan tungkol sa mga espirituwal na bagay. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na makita ang malalim na kahulugan ng mga talata sa Bibliya.
Maraming nakalito kay Vicky nang unang binasa niya ang Bibliya. Itinanong niya iyon sa tagapanguna ng pag-aaral ng Bibliya. Pinatnubayan ng Banal na Espiritu ang tagapanguna upang maipakita sa kanya ang iba pang talata -- at ginamit ng Banal na Espiritu ang mga talatang ito upang bigyan siya ng pang-unawa.
3. Pinatatalas ng Banal na Espiritu ang pakiramdam natin sa espirituwal na bagay.
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na makita ang ating pangangailangan sa liwanag ng mga talata sa Bibliya na ating pinag-aaralan. Binubuksan niya ang ating espirituwal na pagkaunawa upang makita natin ang ating kasalanan, kahinaan at pagkukulang. Binibigyan Niya tayo ng katiyakan sa kapangyarihan ng Diyos na mapagtagumpayan natin ang ating kasalanan, kahinaan at pagkukulang kung mapagkumbabang lalapit tayo sa Kanya. Ipinakikita NIya ang dapat nating gawin upang lalong mabigyan-lugod natin ang Diyos.
Nang mabasa ni Vicky sa Bibliya ang tungkol sa pag-iikapu, agad niyang ibinigay sa gawain ng Diyos ang 10% ng kanyang kinikita. Hindi ang pastor ang dahilan ng pagbibigay niya ng ikapu, kundi ang Banal na Espiritung tumutulong sa kanyang ipamuhay ang mga prinsipyo ng Kanyang Salita.
4. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu namakita ang mga talatang kailangan natin.
Pinapatnubayan tayo ng Banal na Espiritu sa mga talatang makapagpapalakas sa atin kapag tayo'y nanghihina, magbibigay sa atin ng kapayapaan kapag tayo'y natatakot at may problema, katiyakan kapag tayo'y nag-aalinlangan, lakas sa panahon ng tukso, pag-asa kapag nawawalan tayo ng pag-asa, pagtanggap kapag mali ang ginagawa, babala para maiwasan ang pagkatisod, aral para sa espirituwal na paglago sa pagkakilala sa Diyos. Tinutulungan din Niya tayong maalala ang mga talatang isinaulo natin kapag kailangan ito. Halimbawa, kailangan ng lakas ng loob ang isang kaibigan. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na sabihin ang tamang talata upang palakasin ang kanyang pananampalataya.
Si Lina ang tagapanguna ni Vicky sa pag-aaral ng Bibliya. Marami na ang nababasa ni Vicky sa Bibliya at matindi ang pagkauhaw niya sa katotohanan kaya't hindi malaman ni Lina kung anu-ano ang itatanong niVicky linggu-linggo. Maaaring tungkol iyon sa alinmang talata mula Genesis hanggang Pahayag! Ngunit tuwing magtatanong si Vicky, humihingi si Lina ng patnubay sa Banal na Espiritu. Sa bawat pagkakataon, ipinaaalala Niya sa kanya ang talatang magbibigay-liwanag sa problema ni Vicky o makasasagot sa kanyang tanong.
3. Binibigyan-buhay ng Banal na Espiritu ang Bibliya sa atin (2 Corinto 3:6; Hebreo 4:12).
Posibleng basahin ang Bibliya nang hindi naririnig ang sinasabi ng Diyos. Maraming tao ang nakabasa na ng Bibliya ngunit parang karaniwang babasahin o aklat lamang iyon para sa kanila. Hindi sila nababago ng kanilang binabasa. Mapag-aaralan natin ang Bibliya ngunit hindi pa rin mababago nito ang ating gawa. Nagiging makapangyarihan lamang ang salita ng Bibliya kapag binibigyan-buhay iyon ng Banal na Espiritu. Pag nagkagayon, makatatanggap tayo ng espirituwal na katotohanan.
Sa ating pag-aaral ng Bibliya, dapat nating hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan-buhay Niya ang mga salita at sumbatan tayo ng mga katotohanan nito. Hilingin natin ang tulong Niya upang maging buhay ang Salita ng Diyos, masunod iyon at makapamuhay tayo ayon sa nais ng Diyos.
Minsan nagkaroon ng problema si Linda sa kanyang kaibigan. Nang tumagal, nalimutan na niya ito. Ngunit habang binabasa ni Linda ang Bibliya, patuloy na ipinakikita sa kanya ng Banal na Espiritu ang mga talata ukol sa pagpapatawad. Para bang nababasa niya iyon araw-araw! Napagtanto ni Linda na hindi pa niya talaga napatatawad ang kanyang kaibigan at dapat niyang gawin iyon. Nang ginawa niya iyon, nagkasundo sila at nagkaroon ng kapayapaan ang puso ni Linda.
C. Panalangin at Pagsamba
1. Panalangin (Efeso 6:18; Roma 8:26-27; Judas 20)
Tanong: Ayon sa Efeso 6:18, paano tayo dapat manalangin?
Dapat nating "idalangin palagi ang lahat ng anak ng Diyos." Dapat tayong "maging handa at huwag tayong manghiawa." Dapat tayong "manalangin sa lahat ng pagkakataon." Paano natin ito magagawa lalo na't malimit tayong pagod at naglalayag naman ang ating isip sa oras ng panalangin? Nasa talatang ito ang sagot. "Hingin ang patnubay ng Banal na Espriritu." Ang Banal na Espiritu lamang ang makatutulong sa ating manalangin ayon sa nais ng Diyos. Kung hindi natin hihingin ang Kanyang tulong manghihina ang ating buhay-panalangin.
Kung minsan, alam nating dapat ipanalangin ang isang tao o isang bagay, ngunit hindi natin alam kung paano mananalangin.
Tanong: Ayon sa Roma 8:26-27, paano tayo tinutulungan ng Banal na Espiritu sa ganitong kalagayan?
"Kaya't ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita." Marami sa atin ang walang alam sa ganitong panalangin, sapagkat hindi tayo tunay na nabibigatan sa sarili nating pangangailangan o pangangailangan ng ibang tao upang lumapit sa Diyos na may makaling pagnanais na makatulong. Makapagsisimula tayo sa gaanitong panalangin sa pag-patnubay ng Banal na Espiritu. Unti-unti Niya tayong papatnubayan. Una Niyang ilalagay sa ating isip kung ano ang dapat hingin, at pagkatapos, maaaring tulungan Niya tayong manalanging tahimik. Tutulungan Niya tayong matiwalang iniluluhog NIya sa Ama ang malaking hangarin nating. Tiyak na diringgin ng Diyos ang ating mga panalangin. Nauunawaan Niya ang inisip ng Banal na Espiritu. Ayon sa kalooban ng Diyos ang panalangin ng Banal na Espiritu. Nalalaman ng ating espiritu na sasagutin ng Diyos ang ating panalangin at aalisin Niya ang pasanin sa ating buhay.
Tanong: Sa Judas 20 ano ang utos tungkol sa panalangin?
Kailangang "manalangin tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu." May kapangyarihan ang ating panalangin kung hahayaan natin ang Banal na Espiritu na gumawa sa atin. Sa pananalangin natin na may kapangyarihan dahil sa Banal na Espiritu, ang Kanyang saloobin ay magiging saloobin natin. Kaya sa pananalanging may kapangyarihan kailangang hayaan nating manalangin ang Banal na Espiritu sa atin.
2. Pagsamba (Juan 4:23-24; Filipos 3:3)
Tanong: Ayon sa Juan 4:24, sa alin pang espirituwal na gawain kailangan natin ang tulong ng Banal na Espiritu?
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na sambahin ang Diyos. Ang pagsamba ang pinakamataas na uring paglilingkod sa Diyos. Nagiging makahulugan sa atin at katanggap-tanggap sa Diyos kung sasamba tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Nagiging kabagut-bagot, kaugalian at seremonya na lamang ang pagsamba kung wala ang Banal na Espiritu. Hindi ito kalugod-lugod sa Diyos. Hindi nito napasisigla ang espiritu. Hindi tayo makararanas ng tunay na kagalakan.
Tanong: Ayon sa Filipos 3:3, paano tayo sumasamba?
"Sinasamba natin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu." "Nagagalak tayo sa ating buhay sa pakikipagkaisa kay Kristo Hesus." Hindi dapat magtiwala sa panlabas na seremonya.
Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay sa ating pagsamba. Tinutulungan Niya tayong makita ang Diyos sa Kanyang kabanalan at kaluwalhatian. Ipinakikita Niya sa atin na tayo'y di karapat-dapat. Nililinis Niya ang ating buhay sa kasalanan upang makalapit tayo sa ating banal na Diyos. Tinutulungan Niya tayong ituon ang ating isip at espiritu sa iisang Diyos. Ibinibigay Niya sa atin ang tamang salita upang purihin at sambahin Siya. Binibigyan Niya tayo ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Binibigyan Niya tayo ng pagnanais at kakayahang sundin ang Kanyang kalooban. Kaya't hindi nagiging mekanikal ang pagsamba kapag pumunta tayo sa iglesya. Huwag akalaing sinasamba na natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagdalo sa pananabahan. Umasa tayo sa Banal na Espiritu at magiging tunay na pampasigla ng espiritu ang pananambahan.
Hindi ang mga nangyayari sa gusali ng iglesya ang hangganan ng pagsamba. Kahitsaan ay masasamba, mapupuri at mapasasalamatan natin ang Diyos. Ang ating salita, ugali at kilos ay maaaring patuloy na magpuri sa Kanya.

PANSARILING TUGON
- Kung gusto mong bigyan ka ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pag-aaral ng Bibliya, manalangin at sumamba sa Diyos, isulat mo ito sa iyong notebook: "Hihilingin ko lagi sa Banal na Espiritu na tulungan ako sa aking pag-aaral ng mga talata sa Bibliya, pananalangin at pagsamba sa Diyos upang lumago ako sa aking buhay-kristiyano." Balikan mong palagi ang isinulat mong ito upang hindi makaligtaan.
Source:
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7
Panginoon, Baguhin Mo Po Ako!
PCEP Youth Bible Studies 7