A B K D E G H I L M N O P R S T U W Y
NAKAAYOS ANG MGA KANTA AYON SA UNANG TITIK
ANO'NG BUKAS ANG HAHARAPIN
Halina Immanuel Verse 1 Ano'ng bihin ang 'yong ipupunla Gayong tuyo na ang ating lupa Ano'ng pagmamahal ang 'yong iaalay Sa isang mag-anak na hiwa-hiwalay Chorus Ano'ng bukas ba ang haharapin Sa kabila ng mga balatkayo't lihim May sikat bang magniningning Sa bawat sugat na tumataghoy sa dilim Ano'ng ngayon ang ating babaguhin Upang maituwid ang ating landasin Ano'ng bukas pa ba ang dapat datnin Nang tayo'y manumbalik sa Dios natin Verse 2 Ano'ng daigdig ang 'yong ibibigay Sa sali't salinlahing nag-aaway Ano'ng pananalig ang iyong itataas Pagsapit natin sa hindi tiyak na bukas Bridge Mababanaag ba ang sinag ng pag-asa Mapag-isa kaya'ng panalangin ng madla Makamit kaya natin sa ating panahon Ang panatag na nagmumula sa 'ting Panginoon Coda Ano'ng bukas ba ang haharapin Sa kabila ng mga balatkayo't lihim May sikat bang magniningning Sa bawat sugat na tumataghoy sa dilim Ano'ng ngayon ang ating babaguhin Upang maituwid ang ating landasin Ano'ng bukas pa ba ang dapat datnin Nang tayo'y manumbalik sa Dios natin YouTube:
|
|